Wency Silver Series

Wency Cornejo Wency Silver Series Lyrics
1.Kung Sakali

Buhay ko ay sa iyo lamang
Hinding-hindi magbabago ang isip ko
Tunay ang pagtingin
Sana'y ganun ka rin giliw

At kung sakali man ikaw ay
Mayron ng ibang minamahal, minamahal
At kung sakali mang tuluyan
Ng mawalay ang pag-ibig mo, sa piling ko

At kung sakali man magdusa
Ito'y aking matitiis, maghirap man o maghinagpis
Baka sakaling mahal mo pa ako

Di mo ba maunawaan
Pag-ibig na inalay ko sa iyo'y tapat
Pagkat ako ngayon, nangangamba
Sa iyo giliw


2.Isang Lahi

Kung ang tinig mo`y
Di naririnig
Ano nga bang halaga
Ng buhay sa daigdig
Darating ba ang isa ngayon
At magbabago ang panahon
Kung ang bawat pagdaing
Ay laging pabulong

Aanhin ko pa,
Dito sa mundo
Ang mga matang nakikita`y
Di totoo
May ngiting luha ang likuran
At paglayang tanong ay kailan
Bakit 'di natin isabog ang pagmamahal

KORO:
Sundan mo nang tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi,
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo
Pang-unawang tunay ang syang nais ko
Ang pag-damay sa kapwa`y nandiyan sa palad mo

Di ba't ang gabi ay may mayrong wakas
Pagkatapos ng dilim ay may liwanag
Araw ay agad na sisikat
Iilawan ang ating landas
Nang magkaisa bawat nating pangarap
(Ulitin ang Koro dalawang beses)


3.Himig Ng Pag-Ibig

Hoo hoo-hoo hoo-hoo
Hoh hoh-hoo hoo-hoo

Sa pagsapit ng dilim ako'y naghihintay pa rin
Sa iyong maagang pagdating
Pagkat ako'y nababalisa kung 'di ka kapiling
Bawat sandali mahalaga sa atin.

Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin
Tulad ng langit na kay sarap marating
Ang bawat tibok ng puso'y kay sarap damhin
Tulad ng himig na kay sarap awitin.


At ngayong ikaw ay nagbalik sa aking piling
Luha ng pag-ibig kay sarap haplusin
Tulad ng tubig sa batis hinahagkan ng hangin
Pag-ibig ang ilaw sa buhay natin.

Tulad ng ibong malaya ang pag-ibig natin
Tulad ng la-ngit na kay sarap marating
Ang bawat tibok ng puso'y kay sarap damhin
Tulad ng himig ng pag-ibig natin.

La lala lala
La lala lala
La la la la la la la


4.Tao


5.Kumusta Mga Kaibigan

Kumusta, maga kaibigan
OK ba kayo riyan?
Tagal ng hindi pagkikita
Sa inyo, kami'y nasasabik na
Sarap ng ating pagsasama
Kami po'y nag-aalala
Baka kami'y nalimutan na
Ay naku, 'wag po sana

Chorus
Kaya kami'y narito
Sa piling n'yo
Upang bawasan ang problema
Ng ulo n'yo
Sa himig ng rock and roll
Sama-sama tayo
Maghawak-hawak ng kamay
At lilipad tayo

(Repeat Chorus except last word)

... tayo

Kumusta, mga kaibigan
OK ba kayo riyan?
Puso nami'y maligaya
Pagka kayo ay masaya

Kumusta, mga kaibigan
OK ba kayo riyan?
Kumusta, mga kaibigan
OK ba kayo riyan?


6.Tulungan Natin


7.Himig Natin


8.May Bukas Pa

Huwag damdamin ang kasawian
May bukas pa sa iyong buhay
Sisikat din ang iyong araw
Ang landas mo ay mag-iilaw

Sa daigdig ang buhay ay ganyan
Mayroong ligaya at lumbay
Maghintay at may nakalaang bukas

May bukas pa sa iyong buhay
Tutulungan ka ng Diyos na may lalang
Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan

Sa daigdig ang buhay ay ganyan
Mayroong ligaya at lumbay
Maghintay at may nakalaang bukas

May bukas pa sa iyong buhay
Tutulungan ka ng Diyos na may lalang
Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan

Ang iyong pagdaramdam
Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang lubusan


9.Ngayon, Bukas, Kahapon

Ikaw nag init sa lamig nitong gabing hinaharap
Ikaw ang ilaw sa dilim ng buhay kong walang kislap
Sa piling mo'y walang lamig
Sa piling mo'y walang dilim

Ikaw ang awit sa puso kong binihag ng lumbay
Ikaw ang sinag na kay tagal ko ng hinihintay
Sa pling mo'y walang lumbay
Sa piling mo'y maghihintay

Ikaw ang aking bukas ikaw ang aking ngayon
Mahirap mang takasan ang pait ng kahapon
Ikaw ang nanaisin magpakailan pa man
Ngayon bukas kahapon

Ikaw ang langit na sa kin ay nagbibigay himbing
At ikaw ang himig sa isip kong nahiwa ng talim
Sa piling mo'y mahihimbing
Sa piling mo'y walang talim

Ikaw ang aking bukas ikaw ang aking ngayon
Mahirap mang takasan ang pait ng kahapon
Ikaw ang nanaisin magpakailan pa man
Ngayon bukas kahapon